Vaccination Program Act of 2021 pirmado na ni Pangulong Duterte

By Chona Yu February 27, 2021 - 09:30 AM

(Courtesy: Senator Bong Go)

Nilagdaan na ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang bagong batas ang Vaccination Program Act of 2021.

Ayon kay Senador Bong Go, chairman ng Senate committee on Health, nilagdaan ng Pangulo ang batas kagabi, Pebrero 26 sa Malakanyang.

Layunin ng bagong batas na mapadali ang vaccination program ng pamahalaan kontra Covid 19.

Nakapaloob din sa bagong batas ang paglalaan ng P500 milyong indemnity fund para sa mga pasyente na makararanas ng masamang epekto dahil saa bakuna kontra Covid 19.

Sa Pebrero 28 inaasahang darating na sa bansa ang 600,000 doses na bakuna na donasyon ng Sinovac ng China sa Pilipinas.

 

TAGS: bong go, indemnity fund, pirmado, Rodrigo Duterte, Sinovac, Vaccination Program Act of 2021, bong go, indemnity fund, pirmado, Rodrigo Duterte, Sinovac, Vaccination Program Act of 2021

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.