2 pulis sugatan sa Ever Gotesco shootout; PDEA may operasyon

By Jan Escosio February 24, 2021 - 09:13 PM

(UPDATED) Misencounter sa pagitan ng mga pulis-Quezon City at ahente ng PDEA ang nangyari sa parking lot ng isang fast food store sa Ever Commonwealth bago sumapit ang 6:00, Miyerkules ng gabi (February 24).

Base sa paunang impormasyon mula sa QCPD Station 6, mga tauhan ng District Special Operations Unit ang nakasagupa ng mga ahente ng PDEA Special Enforcement Services.

Nagsasagawa ng anti-drug operation ang mga pulis at hindi nila alam na ang kanilang mga ka-transaksyon ay mga taga-PDEA.

Ayon sa naturang ulat, ang mga ahente ng PDEA ang unang nagpaputok kayat ginantihan sila ng mga pulis.

Kinilala ang tatlong nasugatan pulis na sina PLT. Ronnie Ereno, PCpl. Lauro De Guzman at PCpl. Galvin Eric Garado.

Samantala, dalawa sa 20 PDEA agents ang nasugatan maging ang kasama nilang sibilyan.

Nakuha sa lugar ang ilang matataas na kalibre ng baril, badges at IDs.

TAGS: Inquirer News, Philippine red Cross, Radyo Inquirer news, Sen. Richard Gordon, Shooting Incident, Inquirer News, Philippine red Cross, Radyo Inquirer news, Sen. Richard Gordon, Shooting Incident

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.