Metro Manila mayors, sinuportahan ang pag-ayaw ni Pangulong Duterte na ilagay sa MGCQ ang bansa

By Jan Escosio February 24, 2021 - 04:52 PM

Mayorya ng mga alkalde sa Metro Manila ang nais na mas mapaluwag ang quarantine restrictions sa susunod na buwan at nang tanggihan ni Pangulong Duterte na pairalin ang modified general community quarantine (MGCQ) sa buong bansa, sinuportahan na rin nila ito.

Ayon kay Parañaque City Mayor Edwin Olivarez, ang pagpabor ng siyam sa 17 Metro Manila mayors sa MGCQ ay dahil inaasahan na ang pagdating ng mga bakuna laban sa nakakamatay na sakit.

Ngunit, sumuporta na ang lahat sa desisyon ni Pangulong Duterte dahil sa pagkakaantala ng pagdating ng bakuna.

Sinabi pa ni Olivarez, na siyang namumuno sa Metro Manila Council, sinusuportahan niya ang nais ng National Economic Development Authority (NEDA) na paluwagin ang quarantine status para mapasigla na ang ekonomiya ng bansa.

Ibinahagi niya na ang kanilang pamahalaang-panglungsod ay nagbigay na ng 20 percent down payment para sa pagbili ng paunang 200,000 doses ng AstraZeneca.

TAGS: areas under GCQ, areas under MGCQ, Inquirer News, Metro Manila mayors, Radyo Inquirer news, areas under GCQ, areas under MGCQ, Inquirer News, Metro Manila mayors, Radyo Inquirer news

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.