Walang total firecrackers ban – Sen. Bato dela Rosa

By Jan Escosio February 24, 2021 - 08:29 AM

Inquirer file photo

Nilinaw ni Senator Ronald dela Rosa na walang panukalang-batas na nagsusulong ng total firecrackers ban.

Sa pagdinig ng pinamumunuan niyang Committee on Public Order, sinabi ni dela Rosa na ang mga panukala ay para sa regulasyon sa industriya ng paputok sa bansa.

Dagdag pa niya, ipinapanukala din na ang paggawa ng mga paputok ay dapat na sa superbisyon ng mga skilled technicians na may lisensiya mula sa PNP – Firearms and Explosive Office.

Dagdag pa ni dela Rosa ang layon ng mga panukala ay amyendahan ang Republic Act 1783 o ang Act Regulating the Sale, Manufacture, Distribution and Use of Firecrackers and Other Pyrotechnic Devices.

“We will take these bills up properly na wala tayong masasagasaan…na pamumuhay at ma-attain natin yung mga objective ng bills na ito. First and foremost is safety, that is why we are conducting this hearing,” sabi nito.

Dagdag pa ni dela Rosa,“We hope na mag-devise din kayo ng roadmap para makita natin ‘yung direction natin towards modernizing itong industry na ito… Mapapansin lang itong industry na ito pag may naputulan ng kamay, mapapansin lang pag may malaking sunog dahil doon sa mga may ginagawa (na paputok). Dapat talaga tutukan natin ito whole year round para mapaganda itong industriya na ito.”

 

TAGS: firecrackers ban, Sen. Bato dela Rosa, Senate, firecrackers ban, Sen. Bato dela Rosa, Senate

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.