403 pang residente, tinamaan ng COVID-19 sa Central Visayas
By Angellic Jordan February 23, 2021 - 10:27 PM
Nagkaroon pa ng 443 na kaso ng COVID-19 sa Central Visayas.
Batay sa inilabas na datos ng DOH Central Visayas hanggang February 23, 36,940 na ang confirmed COVID-19 cases sa nasabing probinsya.
Sa naturang bilang, 6,310 ang aktibo pang kaso.
Umabot sa 403 ang bagong gumaling kung kaya 29,090 na ang COVID-19 recoveries.
May apat namang bagong napaulat na nasawi sa nasabing rehiyon.
Dahil dito, 1,540 ang bilang ng mga pumanaw sa Central Visayas bunsod pa rin ng nakakahawang sakit.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.