Health protocols mahigpit na ipapatupad sa pagselebra ng ika-35 anibersaryo ng EDSA People Power
Kasado na ang planong pang-seguridad para sa gagawing paggunita sa ika-35 anibersaryo ng EDSA People Power sa Pebrero 25, araw ng Huwebes.
Ayon kay National Capital Region Police Office ( NCRPO) chief Maj. Gen. Vicente Danao Jr., pinaalahanan niya ang kanyang mga opisyal na tiyakin na masusunod ang health protocols sa mga mangyayaring pagtitipon.
“Security preparations, coordinations and necessary deployments were set in place as the nation commemorates the unity of Filipino people who have shown the world of the true spirit of a ‘non-violent demonstration’,” sabi ng opisyal.
Dagdag pa nito magtatalaga sila ng security control points.
Ibinilin din niya sa mga pulis na magbitbit ng yantok sa kanilang pagpapatrulya at pagpapaalala sa social distancing, pagsusuot ng face shield at mask.
Babantayan din ang mga pampublikong lugar tulad ng public transport terminals, simbahan, malls, at palengke.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.