Iceland PM, nag-resign dahil sa Panama Papers leak

By Kathleen Betina Aenlle April 06, 2016 - 04:19 AM

 

File photo

Nagdesisyon na ang prime minister ng Iceland na si Sigmundur David Gunnlaugsson na bumaba na sa pwesto makaraang masangkot sa Panama Papers leaks.

Ito’y kaniya na ring pagtugon sa mga nananawagan na umalis na siya sa posisyon nang lumabas ang mga dokumento mula sa Mossack Fonseca law firm kung saan nakasaad na ang asawa ni Gunnlaugsson na si Anna Sigurlaug Palsdotirr ay kasama sa listahan ng mga may offshore deals.

Bumili kasi ang kaniyang asawa ng isang offshore company na Wintris Inc. na naka-base sa Virgin Islands noong December 2007.

Gayunman, hindi pa naman opisyal ang pagbibitiw ng nasabing prime minister sa pwesto dahil kailangan pa itong aprubahan ng parlyamento at ng presidente ng Iceland na si Ólafur Ragnar Grímsson.

Si agriculture and fisheries minister Sigurður Ingi Jóhannsson ang nag-anunsyo nito sa publiko, kasabay na rin ng pagsasabi na siya ang papalit kay Gunnlaugson oras na bumaba na siya sa pwesto.

Ang Panama Papers leak ay ang paglalabas ng mahigit 11 milyong dokumento na naglalahad ng mga natatagong pag-takas ng mga mayayaman at makapangyarihang tao sa mundo sa pagbabayad ng buwis.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.