Yellow Warning itinaas ng PAGASA sa Northern Samar, Bicol Region

By Jan Escosio February 22, 2021 - 09:04 AM

Nagpalabas ang PAGASA ng Heavy Rainfall Warning sa Northern Samar, Sorsogon, Catanduanes, Camarines Norte at Camarines Sur.

Babala ng ahensiya ang malakas na pag-ulan ay maaring magdulot ng pagbaha sa mga mabababang lugar at mga lugar na malapit sa mga ilog.

Ito ay maaring magdulot din ng pagguho ng lupa sa mga bulubunduking bahagi ng mga nabanggit na lalawigan.

Ang nararanasang pag-ulan naman sa Albay, Masbate, Marinduque at Romblon ay maaring tumagal ng dalawa hanggang tatlong oras.

Pinapayuhan ang mga residente sa lahat ng mga nakakakaramdaman na ng epekto ng bagyong Auring na mag-ingat.

Inabisuhan naman ang mga local disaster risk reduction and management units na maghanda.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.