Temperatura sa Metro Manila, Baguio City bumagsak – PAGASA
Kahapon, araw ng Linggo, naitala ang pinakamababang temperatura sa Metro Manila at Baguio City.
Base sa datos ng PAGASA, 9 degrees Celsius ang naitala sa Baguio City alas-5 ng madaling araw, samantalang 19.3 degrees Celsius naman sa Metro Manila na naitala ala-6 ng umaga sa Quezon City, kapwa pinakamababa ngayon taon.
Ang naitalang lamig sa Baguio City ay mas malamig pa kumpara sa naitalang 9.4 degrees Celsius noong nakaraang taon.
Samantala, ang naitalang pinakamababang temperatura sa Metro Manila ay higit na mas malamig kumpara sa 19.9 degrees Celsius na naiulat noon nakaraang Enero 31.
Mas malamig naman ang naitalang 7.9 degrees Celsius sa La Trinidad, Benguet.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.