SC decision na payagan si Poe na tumakbo, pinal na

By Inquirer, Jay Dones April 06, 2016 - 03:24 AM

 

Inquirer file photo

Pinal na ang desisyon ng Korte Suprema na payagan si Senador Grace Poe na makatakbo sa Pampanguluhang halalan.

Ayon sa source ng Inquirer, ibinasura na ng SC ang lahat ng tatlong  motion for reconsideration na isinampa na humihiling na bawiin ng hukuman ang desisyon nitong pahintulutan ang senadora na tumakbo sa May 9 polls.

Ayon pa sa source, sa unang summer en banc session na ginawa sa Baguio City ng mga Mahistrado, kinatigan ng SC ang nauna nilang ruling noong March 8 na nagsasabing isang natural born-Filipino si Poe.

Gayunman, hindi pa malinaw kung muing nagbotohan ang mga Mahistrado o iginiit lamang ang dati na nitong naging desisyon sa kaso ni Poe.

Dahil sa desisyong ito, tuluyan nang mababasura ang naunang desisyon ng Comelec na kanselahin ang Certificate of Candidacy (COC) ng senadora dahil sa usapin ng citizenship nito.

Unang inanunsyo ni Atty. Theodore Te na ilalabas ng mga Mahistrado ang kanilang desisyon sa mga motion for reconsideration sa April 9 o isang buwan bago ang May elections.

Inaasahan na ilalabas ng Korte Suprema ang mga separate opinions ng mga Mahistrado sa usapin ng kanilang final ruling  sa mga susunod na araw.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.