‘Go signal’ ni Pangulong Duterte para sa ‘advance’ sa COVID-19 vaccines, pinuri ni Sen. Go
Tamang hakbang para kay Senator Christopher Go ang pagbibigay awtorisasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Department of Health at National Task Force against COVID-19 na magbigay ng paunang bayad para sa mga bibilhing bakuna.
Epektibo ang memorandum order para sa mga bakuna na hihigit sa 15 porsiyento ng kabuuang halaga ang bibilhin ng Pilipinas.
Sa naturang kautusan, pinapayagan na rin ang mga lokal na pamahalaan na magbigay ng down payment na higit pa sa 15 porsiyento ng halaga na nakasaad sa kontrata basta aprubado ito ng National Task Force.
“Patuloy na nagtutulungan ang Executive at ang Legislative branches para gawin ang lahat ng kailangan upang malampasan ang krisis na ito at matulungan ang ating mga kababayan na makabangon muli,” ayon sa senador, na namumuno sa Senate Committee on Health.
Panawagan lang niya na gamitin nang wasto ang pondo ng bayan at isipin ang interes ng mamamayan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.