Sen. Gatchalian, inihirit ang localized at limited face-to-face classes

By Jan Escosio February 19, 2021 - 03:10 PM

Muling nanawagan si Senator Sherwin Gatchalian sa gobyerno na pag-aralan ang diskarte ng ibang bansa na ibinalik na ang ‘face-to-face classes’ sa mga paaralan.

Aniya, maaring payagan na ang ‘localized and limited face-to-face classes’ lalo na sa mga lugar na walang kaso ng COVID-19.

Binanggit nito ang pahayag ng Public Health Agency ng Northern Ireland na ang mga paaralan ay hindi naman pangunahing lugar ng hawaan.

Ito rin aniya ang resulta ng pag-aaral ng US Centers for Disease Control and Prevention.

Nasabi rin nito ang pag-aaral ng University of Warwick sa England na nagsabing hindi mataas ang posibilidad na makakuha ng nakakamatay na virus sa mga paraalan.

“Kung susuriin natin ang karanasan at mga pag-aaral sa ibang bansa, makikita natin na posible ang ligtas na pagbubukas ng mga paaralan habang patuloy ang pagpapatupad ng health protocols tulad ng physical distancing, pagsusuot ng mask, at regular na paghuhugas ng kamay,” aniya.

Diin niya, ang dahan-dahan na pagbubukas muli ng mga paaralan ay isa sa mga hakbang para makabangon ang bansa.

May 433 bayan sa bansa ang wala ng kaso ng COVID-19 hanggang nitong Pebrero 9.

TAGS: classes during pandemic, distance learning, Inquirer News, limited face-to-face classes, Radyo Inquirer news, Sherwin Gatchalian, classes during pandemic, distance learning, Inquirer News, limited face-to-face classes, Radyo Inquirer news, Sherwin Gatchalian

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.