Myanmar military-controlled websites bagsak sa ‘hack-attack’
Pinasok ng isang grupo ng ‘hackers’ ang ilang websites na kontrolado na ng military ng Myanmar.
Kasunod ito nang pagputol ng internet signal sa Myanmar sa ika-apat na gabi.
Isang grupo, na nagpakilalang Myanmar Hackers, ang umatake sa website ng Central Bank, Myanmar Military, MRTV, Port Authority and Food and Drug Administration.
Nangyari ang ‘cyber attack’ kasunod na rin nang pagprotesta ng libo-libong mamamayan ng Myanmar sa ibat-ibang bahagi ng bansa para patuloy na iprotesta ang ikinasang military coup na nagpabagsak sa gobyerno ni Aung San Suu Kyi.
“We are fighting for justice in Myanmar,” ang post ng Myanmar Hackers sa kanilang Facebook page.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.