Panukalang-batas para mapabilis ang pagbili ng COVID 19 vaccines, vaccination inihain sa Senado
Inihain sa Senado ang Senate Bill 2057 o ang COVID-19 Vaccination Program Act of 2021, na layon mapabilis ang pagbili ng COVID 19 vaccines gayundin ang pagtuturok ng mga ito.
Paliwanag ni Majority Leader Juan Miguel Zubiri nakasaad sa panukala na papayagan ang mga lokal na pamahalaan at ang pribadong sektor na bumili ng mga bakuna gamit ang kanilang sariling pondo.
Paglilinaw lang niya ang pagbili ay dapat may koordinasyon sa Department of Health at National Taskforce Against COVID-19.
“We need to expedite our procurement because we are in a race against the clock. We need mass inoculation and herd immunity as soon as possible,” sabi nito.
Isa sa mga pangunahing awtor ng panukala si Zubiri at katuwang niya sa pagsusulong sina President Pro Tempore Ralph Recto at Sens. Sonny Angara, Imee Marcos, Grace Poe, Pia Cayetano, Ramon Revilla Jr., Joel Villanueva, Nancy Binay, Francis Tolentino, Win Gatchalian, Richard Gordon, Cynthia Villar, Risa Hontiveros, Kiko Pangilinan, Manny Pacquiao, at Christopher Go.
Ibinahagi ni Zubiri na ang LGUs na ang humirit ng panukala dahil marami sa kanila ang nakikipag-negosasyon na sa mga gumagawa ng bakuna.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.