Bishop Pabillo kay Pangulong Duterte: “Magbago ka!”

By Chona Yu February 17, 2021 - 03:40 PM

INQUIRER File Photo

“Magbago ka!”

Payo ito ni Manila Bishop Broderick Pabillo kay Pangulong Rodrigo Duterte lalo na ngayong panahon ng Kwaresma.

Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni Pabillo na gamitin sana ang Kwaresma bilang panahon ng pagbabago.

“Ang payo ko ay payo sa lahat, na sana kunin natin ang panahon na ito na panahon ng pagbabago at lahat naman tayo ay kailangan magbago. Hindi naman makapagsasabi na hindi ko na kailangan na magbago. Magbago sa pananalita, sa ating pakikitungo sa kapwa,at sa ating pagkalinga sa lahat,” pahayag ni Pabillo.

“Nasa diwa ang pagpasok nito, lahat tayo ay nangangailangan ng pagbabago at paglapit sa Panginoon,” pahayag ni Pabillo.

Una nang sinabi ni Pangulong Duterte na istupido ang Panginoon.

TAGS: Bishop Pabillo, Inquirer News, kwaresma, Lenten Season, President Rodrigo Duterte, Radyo Inquirer news, Bishop Pabillo, Inquirer News, kwaresma, Lenten Season, President Rodrigo Duterte, Radyo Inquirer news

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.