Tropical Depression Auring; unang bagyo sa bansa ngayong 2021 pumasok na PAR

By Erwin Aguilon February 17, 2021 - 12:30 PM

Pumasok na sa Philippine Area of Responsibility (PAR) ang Tropical Depression na binabantayan ng PAGASA sa bahagi ng Mindanao.

Sa 11am weather bulletin ng PAGASA, sinabi nito na pumasok sa PAR ang Tropical Depression Auring dakong 8am kanina.

Ito ang kauna-unahang bagyo na pumasok sa bansa ngayong taong 2021.

Kikilos ang Tropical Depression Auring patungo kanluran o kanluran-timog-kanluran sa susunod na 12 oras.

Matapos ito ay kikilos ang nasabing sama ng panahon patungong kanluran-hilagang-kanlurang direksyon at  inaasahang magla-landfall sa Caraga Region sa Sabado ng gabi o Linggo ng umaga bilang isang Tropical Storm, ayon sa PAGASA.

Hindi pa naman nakaaapekto sa anumang bahagi ng bansa ang Tropical Depression Auring.

 

 

TAGS: Bagyo, Mindanao, Pagasa, TD Auring, Bagyo, Mindanao, Pagasa, TD Auring

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.