Michael Jordan nag-donate ng $10 million para sa medical clinic
Magbibigay ng $10 million donasyon ang basketball legend na si Michael Jordan para sa pagpapatayo ng dalawang medical clinic sa mahihirap na komunidad sa kanyang hometown sa Wilmington, North Carolina.
Inaasahang magbubukas ang medical clinic sa 2022.
Una rito, nag-donate na rin si Jordan ng $7 million para sa family clinic sa Charlotte.
Sa pahayag ni Jordan, sinabi nito na isang malaking karangalan ang makatulong sa kapwa.
“Everyone should have access to quality health care, no matter where they live, or whether or not they have insurance. Wilmington holds a special place in my heart and it’s truly gratifying to be able to give back to the community that supported me throughout my life,” pahayag ni Jordan.
Noong Hunyo lamang, nagbigay ng donasyon si Jordan ng $100 million sa mga organisasyon na tutulong para sa pagpapanatili sa racial equiality.
Si Jordan ay six-time NBA champion at naging Basketball Hall of Famer at may-ari ng Charlotte Hornets.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.