No-EL pipigilan ng multi-sectoral group

February 15, 2021 - 07:47 PM

Mahigit isang taon pa bago ang 2022 Presidential election, naglatag na ng mga kwalipikasyon ang isang multi-sectoral group para sa nga nagnanais kumandidato.

Binubuo ng grupong FPJPM, FEJODAP, Peoples Movement Against Poverty, National Labor Union, Philippine Organization of Free Labor Union, inisa-isa ng Philippine Patriotic Movement ang mga problemang kakaharapin ng susunod na Pangulo, Pangalawang Pangulo, mga Senador at Party List Representatives.

Ayon kay Butch Cadsawan, Lead Convenor ng PPM, hindi nila papayagan na ‘di matapos ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang termino at handa silang pigilan ang anumang pwersa na magtatangkang pabagsakin ang gobyerno.

Dapat umanong may malinaw na plataporma ang mga nagnanais maging lider sa malaking suliranin ng bansa.

Kabilang na umano dito ang pagtugon sa problema sa COVOD-19, bagsak na ekonomiya, malaking bilang ng mga walang trabaho, mataas na bilihin, pagtugon sa maayos na kalusugan, problema sa West Philippine Sea at maraming iba pa.

Magsasagawa umano ng consultation ang Philippine Patriotic Movement sa iba’t ibang lugar sa bansa upang kunin ang pulso ng bayan kung sino sa mga kakandidato ang dapat nilang suportahan.

Nilinaw naman ni Cynthia Villarin ng PMAP, wala pa silang ineendorso subalit posible nila itong gawin sakaling makita na nila ang hinahanap na kwalipikadong kandidato.

Para naman kay David Diwa ng National Labor Union, kakausapin nila ang mga kakandidato para pakinggan ang mga ilalatag na solusyon sa mabigat na sitwasyon ng bansa.

Samantala, sa kabila ng mga problemang kanilang inilatag, nagawa pa rin nilang bigyan ng ‘8 out of 10’ score si Pangulong Rodrigo Duterte sa loob ng limang taon niyang pamumuno sa bansa.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.