Mga nabigyan ng bakuna vs tigdas, rubella sa Maynila nasa 86.7 porsyento na
Tuluy-tuloy pa rin ang “Chikiting Ligtas sa dagdag bakuna kontra Tigdas at Rubella” program sa Lungsod ng Maynila.
Ayon kay Mayor Isko Moreno, umabot na sa 86.7 porsyento ng target ng Manila City government na bilang ng mga bata na mabibigyan ng bakuna laban sa mga nasabing sakit.
“Yung bakuna sa bata, sa Tigdas, ang Maynila ay 86% na in less than 2 weeks, 86% ang nabakunahan sa target market which is yung mga bata so in just less than 2 weeks, nakakatuwa naman, masisipag yung ating mga kawani sa Manila Health Department,” pahayag ng alkalde.
“So with that we learned a lot of things already and we’ll move on the moment na nandiyan na yung [COVID-19] bakuna and we’re expecting it hopefully soon,” dagdag pa nito.
Samantala, sinabi naman ni Manila City Health Officer Dr. Arnold “Poks” Pangan na kayang matapos ng Manila Health Department (MHD) ang vaccination program sa Miyerkules, February 17.
Dalawang linggo itong mas maaga sa itinakdang iskedyul.
“We targeted na matapos talaga agad itong measles vaccination para mas makapaghanda rin ang Manila Health Department sa COVID-19 vaccination. The vaccines may arrive anytime,” pahayag ni Dr. Pangan.
Aniya pa, “Helpful din para sa ating medical frontliners ang measles vaccination activity na ito dahil kahit papaano ay na-familiarize sila ulit sa proseso ng pagpapabakuna.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.