Sambayanan masasaksihan ang pagpapabakuna ni Pangulong Duterte ng anti-COVID 19 vaccine

By Jan Escosio February 15, 2021 - 03:22 PM

Sambayanang Filipino na ang magiging saksi sa pagpapaturok ng anti-COVID 19 vaccine ni Pangulong Duterte.

Sinabi ni Presidential spokesman Harry Roque iaanunsiyo na lang mismo ni Pangulong Duterte kung kailan siya magpapabakuna.

Ang pagbabago ng isip ng Punong Ehekutibo ay bunsod ng mga hamon at panawagan na dapat masaksihan ng publiko ang pagpapabakuna sa kanya para lumakas ang loob at mawala ang mga pagdududa ng maraming Filipino.

Maging ilan sa mga opisyal ng administrasyon ang naniniwala na makakapagpalakas ng kumpiyansa sa mga natatakot o nagdududa sa bakuna kung ang mismong pangulo ng bansa ang makikita nilang tuturukan ng bakuna na sinasabing pangontra sa nakakamatay na sakit.

Una nang inihayag ni Roque na sakaling magpapabakuna si Pangulong Duterte ito ay magiging pribado.

Posible na bakuna ng Pfizer o AstraZeneca ang iturok kay Pangulong Duterte.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.