Mga sinehan sa Metro Manila mananatiling sarado
Hindi pa rin magbubukas ang mga sinehan at arcade sa Metro Manila.
Ito ang sinabi ni Parañaque City Mayor Edwin Olivarez sa kadahilanan tutol ang mga kapwa niya alkalde sa pangunahing rehiyon sa bansa.
Aniya magpupulong ang Metro Manila Council sa Miyerkules para pag-usapan ang desisyon ng Inter-Agency Task Force na payagan nang magbukas ang mga sinehan at ilan pang establismento sa mga lugar na nasa ilalim ng general community quarantine.
“The sentiment of all the mayors, we have apprehension on the reopening of cinemas… We would defer the implementation of the opening of cinemas,” sabi ni Olivarez, na siyang namumuno sa konseho ng mga alkalde.
Nangangamba ang mga opisyal sa posibleng pagkalat ng COVID 19 sa katuwiran na kulob at airconditioned ang mga sinehan.
Nakausap na aniya nila si Trade Sec. Ramon Lopez hinggil sa isyu.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.