Petisyon ng Cloverleaf market na ipatigil ang pagpapasara sa kanila, ibinasura

By Kathleen Betina Aenlle April 05, 2016 - 04:29 AM

 

Inquirer file photo

Bigo ang pamunuan ng Balintawak Cloverleaf Market Corp. (BCMC) na kumbinsehin ang korte na ipatigil ang utos ng lokal na pamahalaan na ipasara ang palengke.

Sa desisyong inilabas ni Quezon City Regional Trial Court Branch 98 Judge Marilou Runes-Tamang, ibinasura niya ang petisyon ng BCMC na baliktarin ang cease and desist order ng lokal na pamahalaan ng Quezon City na inihain sa kanila noong January 19.

Ipinasasara na ng lokal na pamahalaan ang Balintawak Cloverleaf Market matapos madiskubre na wala pala itong building permit, sanitary permit at environmental clearance.

Napag-alaman rin na bigo ang pribadong palengke na magtayo ng sewage treatment plant, kulang sa supply ng tubig, kueryente, at bentilasyon.

Mayroon rin itong maruruming palikuran, kulang at sirang drainage at maling tapunan o pag-tapon ng mga basura, na pawang labag lahat sa mga alituntunin.

Sa petisyon na inihain ni BCMC president Rodolfo de Guzman Sr., inaksuahan niya ang lokal na pamahalaan ng grave abuse and discretion sa pagpapasara ng kanilang palengke, at na hindi rin sila binigyan ng kaukulang proseso.

Giit ni De Guzman, sumunod naman sila sa lahat ng mga regulasyon, ngunit pinasinungalingan ito ng hukom.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.