Financial condition ng Social Security System, sisilipin ng Kamara

By Erwin Aguilon February 15, 2021 - 09:18 AM

Bubusisiin ng House Committee on Public Accounts ang kondisyon ng pananalapit ng Social Security System.

Kasunod ito nang pag-apruba ng Kamara sa panukala na pansamantalng suspensyon ng contribution hike ng SSS members ngayon taon.

Inihain ni Probinsiyano Ako partylist Rep. Jose Singson Jr., ang House Resolution 1563 para malaman ang kahinaan ng social security program sa bansa na maaring mangailangan ng pagkilos ng Kongreso.

Sinabi ng mambabatas na patuloy lang na pinalalakas ang SSS para matiyak na matatag ang financial condition ng ahensiya.

Dapat ay magkakaroon ng pagtaas sa kontribusyon ng SSS members ngayon ngunit ipinagpaliban ito dahil marami ang nawalan ng trabaho at may mga negosyo na nagsisimula pa lang bumangon.

Ngayon araw, nakatakda na makipagpulong ang SSS sa House Public Accounts Committee.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.