India: Kambal na sanggol dinukot ng mga unggoy, 1 patay

By Jan Escosio February 15, 2021 - 09:05 AM

Iniimbestigahan na ngayon ng awtoridad sa Southern India ang napa-ulat na pagdukot ng mga unggoy sa kambal na sanggol na babae sa Tamil Nadu.

Isa sa sanggol ang namatay matapos ibato mula sa bubungan ng mga unggoy.

Sinabi ng ina, Bhuvaneshwari, narinig niya ang kanyang mga anak na umiiyak at nang pumunta siya sa kuwarto, nakita niya na bitbit na ng mga unggoy ang kambal.

Paglabas niya ng bahay nakita niya ang mga unggoy sa bubungan ng bahay kayat humingi siya ng saklolo sa mga kapitbahay.

Nang magsimula nang dumami ang mga tao, ibinato ang isa sa kambal, na bumagsak sa kanal at namatay, samantalang ang kanyang kapatid naman ay iniwan na lang sa bubungan.

Noong 2019 sa Odisha, India, isang sanggol din ang dinukot ng mga unggoy at natagpuan na lang ang biktima na patay.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.