PDEA, dumepensa sa pahayag ng CBCP sa kaso ni Lt. Col. Marcelino

By Kathleen Betina Aenlle April 05, 2016 - 04:29 AM

 

cacdacNagpadala ng liham ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) kasunod ng apela nito kaugnay sa kaso laban kay Lt. Col. Ferdinand Marcelino.

Sa liham na ito, dinepensahan nila ang kanilang paninindigan sa pagsasampa ng kaso laban kay Marcelino, kasabay ng paglilinaw ng ilang mga isyu na inapela ng CBCP sa Department of Justice (DOJ).

Una na kasing umapela si Bishop Broderick Pabillo ng CBCP sa DOJ na ibasura na ang mga kaso laban kay Marcelino dahil mahina at pulos kasinungalingan ang mga ebidensya laban sa kaniya.

Giit ng PDEA, walang dokumento ang National Bureau of Investigation na nagpapatunay na nagbahagi sa kanila ng impormasyon si Marcelino tungkol sa mga iligal na gawain sa bahay kung saan sila naaresto, na isang shabu laboratory.

Una nang sumulat si NBI Director Virgillio Mendez Jr. sa DOJ para sabihing malaki ang naitulong ni Marcelino sa kanilang anti-narcotics campaign.

Ngunit nang hingin ni Philippine National Police – Anti-Illegal Drugs Group head Senior Supt. Manolo Ozaeta ang mga kaukulang dokumentong magpapatunay nito, wala pa ring maibigay ang NBI sa kanila.

Nilinaw rin ng PDEA sa liham na maging ang Armed Forces of the Philippines, Philippine Navy at Presidential Anti-Organized Crime Commission na pawang binanggit ng kampo ni Marcelino, ay nagsabi na hindi sila nagbigay ng otorisasyon sa kaniya para isagawa ang sinasabi niyang operasyon sa clandestine laboratory sa Maynila.

Umaasa naman si PDEA chief Arturo Cacdac Jr. na sa pamamagitan ng kanilang liham sa CBCP, nabigyang linaw nila ang isyu sa ngalan na rin ng katotohanan at transparency.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.