Pagbubukas ng mga sinehan, pinalagan ng Metro Manila mayors

By Chona Yu February 13, 2021 - 11:49 AM

Aapela ang Metro Manila mayors sa Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Disease na irekonsidera ang desisyon na pinapayagan nang magbukas ang mga sinehan sa mga lugar na nasa general community quarantine dahil sa Covid 19.

Ayon kay Parañaque City Mayor Edwin Olivarez, chairman ng Metro Manila Council, hindi nakonsulta ang kanilang hanay ng IATF kaugnay sa nasabing usapin.

Batid aniya ng Metro Manila mayors na enclosed o sarado at naka-airconditioned ang mga sinehan at mahigit isang oras ang mga palabas.

Una nang inanunsyo ni Presidential Spokesman Harry Roque na simula sa Pebrero 15, pinapayagan na ang mga sinehan na magbukas ng 50 percent capacity.

 

TAGS: COVID-19, Harry Roque, inter-agency task force, Mayor Edwin Olivarez, Metro Manila mayors, sinehan, COVID-19, Harry Roque, inter-agency task force, Mayor Edwin Olivarez, Metro Manila mayors, sinehan

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.