Panukalang magpapadali sa pagkuha ng passport, aprubado na sa Kamara

By Erwin Aguilon February 10, 2021 - 11:47 AM

Pasado na sa ikatlo at huling pagbasa ng Kamara ang panukala para amyendahan ang batas ukol sa passport.

Sa botong 201 na pabor at walang tutol, inaprubahan ng mga kongresista ang House Bill 8513 o ang New Passport Law na magpapadali sa pagkuha ng pasaporte.

Iginiit ng may-akda ng panukala na si Deputy Speaker Rufus Rodriguez na nakasaad sa Konstitusyon na inviolable o hindi maaaring labagin ang right to travel ng isang Pilipino.

Tungkulin anya ng gobyerno na mag-issue ng passport o travel document sa sinumang Pilipino o indibidwal na makasusunod sa requirements.

Sinabi ni Rodriguez na para mapalakas at ma-protektahan ang karapatan ng mamamayan na makabyahe, dapat magtakda lamang ng ‘minimum requirements’ sa pag-a-apply ng passport at dapat bilisan ang pag-iisyu nito.

Layon rin ng panukala na makasabay ang 24 na taong gulang ng batas sa mga bagong batas ng bansa  na naka-aapekto sa pagkuha ng passport gaya ng Domestic Adoption Act of 1998, Citizenship and Reacquisition Act of 2003 at ang Philippine Identification System Act.

 

 

TAGS: Congress, Philippine passport, Rep. Rufus Rodriquez, Congress, Philippine passport, Rep. Rufus Rodriquez

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.