Covid-19 refrigeration units ng Maynila handa na

By Chona Yu February 10, 2021 - 08:15 AM

Magiging operational na sa February 14 ang 12 Covid-19 refrigeration units sa Maynila.

Ayon kay Manila Mayor Isko Moreno, natanggap na rin ng lokal na pamahalaan ang tatlong biomedical freezers para sa Pfizer COVID-19 vaccines.

Ayon kay Mayor Isko, nasa Sta. Ana Hospital ang karagdagang tatlong freezer.

“Gawin natin ang lahat para maproteksyunan ang bakuna. That is a reflection of every life that we can protect. May buhay na nakasalalay sa bawat bakunang hawak natin,” pahayag ni Mayor Isko.

“The efficiency and the value of the product lies on your hands. Protect the product,” dagdag ng alkalde.

Hindi aniya titigil ang lokal na pamahalaan ng Maynila hangga’t hindi natatapos ang pagbabakuna.

“Once the vaccines are there, we will not stop — Monday to Sunday, hindi tayo hihinto. Hihinto lang tayo kapag tapos na. This is saving lives, protecting lives, yun ang goal,” pahayag ni Mayor Isko.

“Ang habol ko ay walang mamamatay. Hindi na baleng may patuloy na infection, basta wala nang mamamatay. Kawawa ang tao,” dagdag ng mayor.

 

TAGS: covid 19 vaccine, Mayor Isko, covid 19 vaccine, Mayor Isko

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.