Hiling na medical furlough ni Senator Leila de Lima, pinagbigyan ng korte

By Jan Escosio February 10, 2021 - 08:09 AM

contributed photo

Matutuloy na ang mga naunsyaming medical check-ups ni Senator Leila de Lima sa darating na Pebrero 22.

Ito ay matapos pagbigyan ng Muntinlupa Regional Trial Court Branch 256 ang kanyang urgent motion para siya ay masuri ng kanyang mga doktor sa Manila Doctors Hospital.

Base sa inihain mosyon ng kampo ng senadora, hiniling nila na payagan itong sumailalim  sa general medical exam sa pagitan ng Pebrero 11 at 13.

Magugunita na Pebrero 2018 nang may nadiskubreng namumuong laman sa atay ng senadora at hindi na ito natanggal at ilang beses na naudlot ang kanyang follow-up check up dahil na rin sa COVID 10 crisis.

Pinayuhan si de Lima na sumailalim sa CT-scan at transvaginal ultrasound.

Sinabi ni Atty Rolly Peoro, isa sa mga abogado ni de Lima, dahil sa kanyang edad, marami na rin nararamdaman sa katawan ang senadora.

 

TAGS: Muntinlupa RTC, Sen Leila De Lima, Muntinlupa RTC, Sen Leila De Lima

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.