Panukalang pag-amyenda sa Family Code, sinimulan nang talakayin sa Kamara

By Erwin Aguilon February 10, 2021 - 07:26 AM

Isinalang na sa pagdinig ng House Committee on Revision of Laws ang mga panukala na layong amyendahan ang 34 na taon nang Family Code.

Ayon sa chairman ng komite na si Zambales Rep. Cheryl Deloso-Montalla, napapanahon nang repasuhin ang batas patungkol sa pamilya, kasal, legal separations, property relations ng mag-asawa at parental authority para i-akma sa kasalukuyang panahon.

Labing-anim na panukala ang naihain sa Kamara kaugnay nito kabilang ang pagdaragdag ng ground sa annulment kung saan itinutulak ni Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers na maisama kung 5 taon ng hiwalay ang mag-asawa.

Isinusulong naman nina Gabriela Rep. Arlene Brosas, Kabataan Rep. Sarah Elago at Bayan Muna Reps. Eufemia Cullamat at Ferdinand Gaite na alisin na ang classification sa pagitan ng legitimate, illegitimate, at legitimated children na layong protektahan mula sa diskriminasyon ang mga batang isinilang nang hindi kasal ang magulang.

Kasama rin sa tinalakay ang separation of property kung walang marriage settlement, pagbibigay ng kapangyarihan sa kongresista at gobernador na magkasal sa kanilang nasasakupan, gayundin ang gawing legal ang virtual marriage.

Nagkasundo ang komite na bumuo ng technical working group para pag-aralan ang mga panukalang amyenda at para mapabilis ang diskusyon.

 

 

TAGS: Congress, family code, Rep. Cheryl Deloso-Montalla, Congress, family code, Rep. Cheryl Deloso-Montalla

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.