Sen. Grace Poe, Brian Poe nagbigay ayuda sa Zambo City fire victims

By Jan Escosio February 08, 2021 - 05:35 PM

PANDAY BAYANIHAN FB PHOTO

Sinaklolohan ni Senator Grace Poe ang 120 pamilya sa Zamboanga City na nawalan ng kanilang tirahan dahil sa sunog.

Naipamahagi ang tulong sa pamamagitan ng Panday Bayanihan, na pinamumunuan ng anak ni Poe na si Brian Poe Llamanzares.

Tumanggap ang mga biktima na residente ng Cabato Road, sa Barangay Tetuan.

Tumanggap ang mga biktima ng food packs na naglalaman ng bigas, de-lata, instant noodles at instant coffee.

” Sana po makatulong kahit paano ang aming munting naiabot. Ang mga tulong po na ito ay bukal sa aming puso dahil ang malasakit sa kapwa kung wagas sa puso ay walang hinihintay na kapalit,”  sabi ni  Poe.

Ang Panday Bayanihan, na isinunod sa karakter ng yumaong Da King Fernando Poe Jr.,  ay inorganisa noong 2013 nang manalasa ang bagyong “Maring” na nakaapekto sa may  2.5 milyong katao.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.