DFA chief may babala sa pagpapatupad ng bagong Chinese Coast Guard Law

By Jan Escosio February 08, 2021 - 12:10 PM

Tiniyak ni Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr., na higit pa sa paghahain ng diplomatic protest ang kanyang gagawin sakaling magkaroon ng hindi kanais-nais na pangyayari sa pagpapatupad ng China sa kanilang bagong Coast Guard Law.

Sa isang panayam, sinabi ni Locsin na wala pa naman insidente sa pagpapatupad ng bagong batas.

“If there is an incident, I can assure you it will be more than just a protest,” aniya.

Una nang naghain ng diplomatic protest si Locsin laban sa bagong batas, na nagbibigay kapangyarihan sa Chinese Coast Guard na paputukan ang mga banyagang sasakyang-pandagat na mangingisda sa inaangkin nilang teritoryo.

Sa naturang batas, maari din wasakin ang anumang istraktura na itatayo ng mga kaagaw nilang bansa.

Iginigiit ng Pilipinas na ang mga inaangkin ng China ay bahagi pa ng exclusive economic zone ng Pilipinas.

Kasabay nito, tinanggihan ni Locsin ang suhestiyon na idulog sa United Nations ang bagong batas sa katuwiran na sapat na ang panalo ng Pilipinas sa International Arbitration Tribunal noong 2016.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.