Pope Francis ipinagdasal ang kaayusan, hustisya sa Myanmar (Burma)
Ipinagdasal ni Pope Francis na magkaroon ng kaayusan at hustisya sa Myanmar (Burma) kasabay nang pagpo-protesta ng libo-libo na kontra sa ikinasang military coup noong Pebrero 1.
“These days I am following with great concern the developments of the situation that has arisen in Myanmar, a country that, since the time of my apostolic visit in 2017, I carry in my heart with much affection,” ayon sa Santo Papa.
Sa kanyang Sunday Angelus message, humingi ng sandaling katahimikan si Pope Francis at hiningi ang pagdarasal para sa naturang bansa.
“I pray that those who have responsibility in the country will place themselves with sincere willingness at the service of the common good, promoting social justice and national stability, for a harmonious coexistence,” sabi pa nito.
Libo-libo ang nagprotesta sa mga lansangan sa Myanmar nitong mga nakaraang araw at hiningi ang pagpapalaya kay Aung San Suu Kyi, ang halal na civilian leader ng bansa.
Magugunita na inaresto at ikinulong si Aung San kasama si Myanmar President Win Myint at iba pang pinuno ng National League for Democracy party nang agawin ng militar ang kapangyarihan base sa alegasyon ng malawakang dayaan sa eleksyon noong nakaraang Nobyembre.
Paalala pa rin ni Pope Francis sa kanyang mensahe, malapit ang Panginoong Hesus sa mga nakakaranas ng matinding hirap.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.