Sen. Sonny Angara nabahala sa dumadaming tambay na mga kabataan

By Jan Escosio February 08, 2021 - 08:17 AM

Nagpahayag ng pagkabahala si Senator Sonny Angara sa dumadaming hindi nag-aaral na mga kabataan bunga na rin ng kasalukyang pandemya.

Pagdidiin ni Angara seryosong isyu ang dumadaming out-of-school youth at maaring magbunga ito ng mas malalaking problema kapag hindi nasolusyonan.

Base sa datos ng DepEd, halos apat na milyon estudyante ang hindi nag-enroll sa Academic Year 2020 – 2021  at 2.75 milyon sa kanila ay mula sa mga pribadong paaralan.

At sa datos naman ng Philippine Statistics Authority (PSA), siyam na porsiyento o 3.53 milyon sa tinatayang 39.2 Filipino edad anim hanggang 24 ay ikinukunsiderang out of school youths.

Bunga nito, itinutulak ni Angara ang pagbuo ng Magna Carta of the OSYs sa pamamagitan ng inihain niyang Senate Bill 1090.

Pagtitibayin ng kanyang panukala ang mga polisiya at programa para sa OSYs  upang mahikayat sila na maghanap ng ibang oportunidad.

Nais ni Angara sa aktibong pamunuan ng DepEd, CHEd, DOH, DSWD, DOLE at DTI  ang pagbalangkas at pagpapatupad ng mga programa para sa mga kabataang hindi nag-aaral.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.