Pangulong Duterte tutol na ipatupad ang car seat law ngayong may Covid 19
Ayaw na muna ni Pangulong Rodrigo Duterte na ipatupad ang car seat law.
Ayon kay Senador Bong Go, ito ay habang may kinakaharap pang pandemya ang bansa sa Covid 19.
“Nakausap ko si Pangulong Duterte, siya po mismo ayaw rin niyang i-implement ito. Sabi niya, ‘not this time. Hindi pa napapanahon na i-implement itong batas na ‘to,” pahayag ni Go.
Ayon kay Go, pareho sila ng sintemyento ni Pangulong Duterte.
Maari aniyang ipatupad ang batas sa mga susunod na panahon.
Sa ilalim ng Republic Act No. 11229 o Child Safety in Motor Vehicles Act, bawal na ang mga bat ana nag-eedad ng 12-anyos pababa na umupo sa harap ng sasakyan.
Kinakailangan din na gumamit ng child car seat nang na-ayon sa kanilang edad.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.