‘Economic Cha-Cha moves’ sa Kamara pinababantayan ni Sen. Leila de Lima

By Jan Escosio February 05, 2021 - 06:24 PM

Hinimok ni Senator Leila de Lima ang sambayanan na bantayan ang mga hakbang para maamyendahan ang 1987 Constitution.

Kasabay ito ng kanyang babala sa mga panganib nang pagbabago sa ‘economic provisions’ ng Konstitusyon dahil maaring maging pinto ito para mapangasiwaan at kontrolin ng mga banyaga ang ilang sektor sa bansa.

“Ngayon, binubuhay na naman nila ang ang Cha-Cha. But this time, they try a different tack–economic. Sinusubukan nila ang economic Cha-Cha sa pag-aakalang wala ritong masyadong aalma. Nagkakamali sila,” aniya.

Ibinahagi din ng senadora ang kanyang pangamba na gamitin ng kasalukuyang administrasyon ang ‘economic Cha-cha moves’ sa Kamara para iposisyon ang mas marami pang negosyanteng Chinese nationals sa bansa.

Ang ikinababahala dito ng senadora ay malagay sa kompormiso ang pakikipag-agawan ng Pilipinas sa China sa kahit sa kinikilalang angkin nating teritoryo.

“China is rich and they would not entertain second thoughts if sabotaging our economy would advance their expansionist agenda in the South China Sea and their project of setting up a hegemony in the region,” dagdag pa ni de Lima.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.