Patuloy na dumadagsa ang mga magsasaka sa bayan ng Kidapawan City sa North Cotabato upang makibahagi sa donasyong bigas na dumarating para sa mga ito.
Isa na sa mga nagbigay ng bigas para sa mga magsasaka ang aktor na si Robin Padilla na nag-donate ng 260 sako ng bigas noong Sabado.
Personal pang binisita ng aktor ang mga magsasaka na namamalagi sa Methodist Center sa lungsod.
Bukod sa bigas na bigay ni Padila, nasa 65 sako pa ng bigas ang dumating mula sa iba pang mga indibidwal mula saDavao City.
Bagama’t nasa 300 magsasaka na ang umuwi sa kanilang mga bayan matapos ang madugong protesta noong Byernes, may 300 pang magsasaka mula sa bayan ng Makilala ang dumating Linggo ng hapon.
Gayunman, hindi sila piayagan ng mga otoridad na makapasok sa Spottwoods Methodist Center kung saan namamalagi ang kanilang mga mapwa magsasaka na humantong muli sa tensyon.
Pero tumindi na naman ang tensiyon dito Linggo ng hapon nang harangin ng mga pulis ang may 300 magsasaka mula sa bayan ng Makilala para magbigay suporta sa mga kapwa magsasaka na inabot ng kakila-kilabot na dispersal noong Biyernes.
Giit ni Supt Jerson Birrey, commander ng Public Safety Battalion ng PNP, sinusunod lamang nila ang kautusan na pigilin ang bagong grupo na makisama sa iba pang namamalagi sa loob ng Methodist compound.
Matatandaang noong Byernes, humantong sa karahasan ang dispersal ng mga otoridad sa hanay ng mga magsasaka na nagra-rally sa Kidapawan City.
Ang insidente ay nagresulta sa pagkamatay ng 3 magsasaka at pagkakasugat ng marami pang iba, kabilang na ang ilang pulis.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.