Mosyon sa DQ case ni Poe, isasalang na sa deliberasyon

By Inquirer.net, Jay Dones April 04, 2016 - 04:32 AM

 

Inquirer file photo

Malapit nang isalang sa deliberasyon ang mga apela na humihiling na baliktarin ng Korte Suprema ang desisyon nito na payagan si Senador Grace Poe na tumakbo sa May 9 elections.

Ayon sa source ng Inquirer.net, nakatakda nang talakayin ng mga Mahistrado ang mga motion for reconsideration ng Commission on Elections at ng apat na pribadong indibidwal sa summer session nito sa Baguio City.

Matatandaang sa botong 9-6, pinaboran ng Supreme Court si Poe sa pagsasabing isa itong natural born Filipino.

Gayunman, naghain ng motion for reconsideration ang Comelec sa pagsasabing walang majority ruling sa kaso ni Poe.

Bukod sa Comelec, naghain din ng kani-kanilang mga motion for reconsideration sina dating Senador Francisco “Kit” Tatad, De La Salle University Professor Antonio Contreras, dating GSIS legal counsel Estrella Elamparo at dating University of the East College of Law Dean Amado Valdez.

Sakaling ibasura ng SC ang mga mosyon, magiging pinal na ang desisyon nito sa kaso ni Poe.

Gayunman, kung baliktairn naman ng SC ang nauna nitong desisyon, ang panig naman ni Senador Poe ang pahihintulutang maghain ng motion for reconsideration.

Bukod sa kaso ni Poe, nakahanay ding talakayin at desisyunan ng Kataas-taasang hukuman ang iba pang mga kaso na may kinalaman sa nalalapit na halalan.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.