P400B kita sa turismo binura ng pandemya – DoT

By Erwin Aguilon February 04, 2021 - 12:36 PM

Aabot sa P400 billion ang nawalang kita sa sektor ng turismo dahil sa pandemyang dala ng COVID 19.

Ito ang sinabi ni Tourism Usec. Roberto Alabado sa pagdinig ng House Committee on North Luzon Growth Quadrangle at ibinihagi nito na umabot lang sa 1.3 milyon banyagang turista ang bumisita sa bansa noong nakaraang taon.

Lubhang napakababa ng bilang kumpara sa 8.3 million foreign tourists arrival noong 2019.

Sinabi naman ng opisyal na gumagawa na ng mga pamamaraan ang kagawaran para pasiglahin muli ang turismo sa pamamagitan ng ‘domestic market.’

Inihalimbawa nito ang ipinapakalat nilang video campaigns kung saan naipapakita ang ganda ng mga local tourist destinations.

Pagtitiyak naman ni Alabado na sa pagpapasigla nila ng turismo ay prayoridad pa rin nila ang kaligtasan at kalusugan ng mga turista.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.