Resulta ng imbestigasyon ng NBI sa Dacera case, isusumite naman – DOJ chief

By Jan Escosio February 03, 2021 - 09:19 PM

Tiniyak ni Justice Secretary Menardo Guevarra na isusumite ng National Bureau of Investigation o NBI ang resulta ng kanilang hiwalay na pag-iimbestiga sa pagkamatay ni Christine Dacera noong nakaraang Enero 1.

Sinabi ni Guevarra na ipapadala nila sa Makati City Prosecutors Office ang ulat ng pag-iimbestiga ng NBI bago ang pagtatapos sa preliminary investigation sa kasong isinampa ng PNP.

Magugunita na 11 lalaki ang inasunto ng rape with homicide ng Makati City Police, ngunit ipinag-utos ng City Prosecutors Office ang pagpapalaya sa tatlong suspek na nasa kustodiya ng pulisya sa katuwiran na kailangang palakasin ng pulisya ang kaso.

Depensa pa ni Guevarra, hindi niya binigyan ng ultimatum ang NBI para tapusin ang pag-iimbestiga para mahimay nang husto ang lahat ng mga ebidensiya at testimoniya.

Magugunitang umani ng batikos ang PNP sa ginawang paghawak sa kaso.

Sa darating na Pebrero 11, itinakda ang pagpapatuloy ng preliminary investigation sa kaso.

TAGS: Christine Dacera aneurysm, Christine Dacera case, Christine Dacera cause of death, DOJ on Dacera case, Inquirer News, NBI investigation on Dacera case, PNP on Dacera case, Radyo Inquirer news, Sec. Menardo Guevarra, Christine Dacera aneurysm, Christine Dacera case, Christine Dacera cause of death, DOJ on Dacera case, Inquirer News, NBI investigation on Dacera case, PNP on Dacera case, Radyo Inquirer news, Sec. Menardo Guevarra

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.