P2.7-M shabu nakumpiska sa Pampanga; Drug suspect, timbog
Arestado ang isang drug suspect na nasa ilalim ng drugs watchlist was sa Angeles City, araw ng Martes.
Tinukoy ni Philippine National Police (PNP) Chief Debold Sinas ang drug suspect na si Arnel Gonzales alyas “Bay,” 30-anyos.
Kabilang din si Gonzales sa data base ng illegal drug personalities ng pambansang pulisya at kilalang sangkot sa illegal drug trade sa bahagi ng Mabalacat at Angeles City.
Base sa ulat ni Police Brig. Gen. Valeriano De Leon, naaresto ang drug suspect sa ikinasang anti-illegal drugs operations ng Mabalacat City Drug Enforcement Unit, katuwang ang PIT-Regional Intelligence Unit 3, sa bahagi ng Mc Arthur Highway sa bisinidad ng Barangay Tabun sa Mabalacat City bandang 3:30 ng hapon.
Nakumpiska kay Gonzales ang siyam na paketeng naglalaman ng hinihinalang shabu na may bigat na 400 gramo at may estimated street value na P2.72 milyon.
Maliban dito, nakuha rin ang limang pirasong P1,000 marked money, digital weighing scale at Toyota Corola Red na may plakang TLE296.
Sa ngayon, si Gonzales ay nasa kustodiya ng Mabalacat City Police Station.
Mahaharap ang drug suspect sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2020.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.