Mga hirit na wage subsidy sa private workers pag-aaralan ng DOLE
Susuriin ng DOLE ang hiling ng ilang grupo ng mga manggagawa na makapagbigay ng wage subsidy sa pribadong sektor bunga na rin ng epekto ng COVID 19 crisis.
Ayon kay Labor Sec. Silvestre Bello III sa kanyang palagay ay mas makakabuti ang pagbibigay ng wage subsidy kaysa sa umento dahil maaring maraming negosyante ang hindi pa kakayanin sa ngayon ang pagtataas sa sahod ng kanilang mga manggagawa.
Ngunit nilinaw ni Bello na ang pagbibigay ng wage subsidy ay depende pa rin sa kapasidad ng gobyerno.
Noong nakaraang linggo, ilang labor groups kasama na ang Trade Union Congress of the Phils. (TUCP) ang nanawagan sa gobyerno na magbigay ng wage subsidy sa kadahilanan hindi na makaagapay ang mga manggagawa sa gastusin.
Dagdag ni Bello kakausapin nila ang Department of Trade and Industry gayundin ang NEDA ukol sa isyu dahil ang dalawang ahensya ang magpapalabas ng pondo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.