Ilang senador duda sa ‘price freeze’ sa karneng baboy at manok

By Jan Escosio February 03, 2021 - 09:19 AM

Nagpahayag ng kanilang pagdududa ang ilang senador sa ‘price freeze’ na ipatutupad ng gobyerno para matuldukan ang pagtaas ng presyo ng mga karne ng baboy at manok.

Sinabi ni Senate President Pro Tempore Ralph Recto, sa kanyang palagay hindi uubra ang price freeze dahil ang problema ay nasa suplay at sa halip na makatulong ay maaring mapalala pa nito ang sitwasyon.

Aniya ang maaring solusyon ay pataasin ang suplay at tulungan ang mga negosyante para mapalakas ang kanilang produksyon.

Ayon naman kay Senator Francis Pangilinan, sa pananalasa ng bagyong Ulysses noong nakaraang taon ay nagpatupad din ng ‘price freeze’ ang gobyerno ngunit sumirit pa rin ang presyo ng mga pagkain.

Diin nito, kung tama si Agriculture Sec. William Dar, dapat ay kumilos ang mga awtoridad para arestuhin ang mga nagsasamantalang negosyante.

Samantala, hirit naman ni Sen. Imee Marcos, dapat ay gamitin ng DA ang lahat ng kanilang mga sasakyan para matulungan ang mga nag-aalaga ng baboy na madala sa Metro Manila ang kanilang produkto at mawala na ang ‘transportation cost’ sa mga karne.

 

 

TAGS: price freeze, Senator Imee Marcos, senator pangilinan, Senator Ralph Recto, price freeze, Senator Imee Marcos, senator pangilinan, Senator Ralph Recto

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.