Malaking bahagi ng bansa uulanin dahil sa Amihan
Northeast monsoon pa rin o Amihan ang nakakaapekto sa buong bansa.
Ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration o PAGASA, ngayong araw ay makararanas ng maulap na papawirin na may kasamang pag-ulan ang Bicol Region at mga lalawigan ng Samar.
Ang Cagayan Valley, natitirang bahagi ng Visayas, Caraga at ang mga lalawigan ng Apayao, Kalinga, Mountain Province, Ifugao, Aurora, Quezon, Oriental Mindoro, Marinduque at Romblon ay magkakaroon ng maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may mga isolated rain showers.
Makararanas naman ng bahagyang kaulapan hanggang sa maulap na papawirin na may kasamang isolated rains ang Metro Manila at nalalabi pang panig ng bansa.
Ang araw ay sumikat 6:24 ng umaga at inaasahang lulubog sakong 5:56 mamayang hapon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.