Aktibong kaso ng COVID-19 sa Mandaluyong City, nasa 134
Napaulat ang 24 pang nagpositibong residente ng Mandaluyong City sa COVID-19.
Sa datos ng Mandaluyong City Health Department hanggang 5:31 Martes ng hapon (February 2), 6,389 na ang confirmed COVID-19 cases sa lungsod.
Sa nasabing bilang, 134 ang aktibong kaso.
Wala namang itinuturing na probable case habang 202 ang suspected cases kung saan 27,618 ang cleared na.
Nasa 18 naman ang mga bagong gumaling sa nakakahawang sakit.
Dahil dito, 6,062 na ang total recoveries ng COVID-19 sa lungsod.
Samantala, 193 na ang mga residenteng pumanaw bunsod pa rin ng pandemya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.