Gobyerno balak bumili ng 178M vaccines para sa 92M Filipinos – Sec. Dominguez

By Jan Escosio February 02, 2021 - 07:54 AM

Iniulat kagabi kay Pangulong Duterte ni Finance Secretary Carlos Dominguez III ang balakin na makipag-usap para sa pagbili ng 178 milyon coronavirus vaccines para sa 92 milyon Filipino.

Ayon kay Dominguez kinakailangan na makakuha ang Pilipinas ng karagdagang mga bakuna dahil nagkukulang ang suplay at naaantala ang pag-deliver ng mga ito.

Ang mga binabalak na bilhin na bakuna ay mula sa AstraZeneca, Pfizer, Novavax, Moderna, Johnson and Johnson at Sinovac.

Unang balak ng gobyerno na bumili ng 148 milyon bakuna para sa 70 milyon Filipino.

Bago ito, inanunsiyo ni vaccine czar Carlito Galvez Jr., na sa ngayon ay sigurado na ang 108 milyon bakuna para sa mga Filipino at ang pakikipagkasundo ay maaring maselyuhan sa susunod na linggo.

Pagtitiyak ni Dominguez may pondo para sa mga bakuna at ang magiging isyu na lang aniya ay ang kakapusan ng suplay at delivery.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.