Matapos ang kudeta, state of emergency isang taon na iiral sa Myanmar
Nagdeklara ang military sa Myanmar na isang taon na sasailalim sa ‘state of emergency’ ang kanilang bansa kasunod nang pag-aresto ni State Counsellor Aung San Suu Kyi at iba pang matataas na opisyal.
Kasabay ito nang pagtatalaga sa isang military general bilang acting president ng bansa at ito ay si Min Aung Hlaing.
Katuwiran ng military, ginawa nila ang mga hakbang para mapanatiling matatag ang Myanmar kasunod ng alegasyon na naging malawakan ang iregularidad sa nangyaring halalan noong Nobyembre.
Unang sinabi ng isang tagapagsalita ng namumunong National League for Democracy na inaresto at ikinulong si Suu Kyi, President Win Myint at iba pa nilang kapartido.
Bago pa ito, patindi nang patindi ang tensyon sa pagitan ng civilian government at military, na nagbabalak na ng kudeta.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.