Russia inakusahan ang Turkey na nagsusuplay ng armas sa IS sa Syria

By Rod Lagusad April 02, 2016 - 03:14 PM

SyriaInakusahan ng Russia ang tatlong Turkish foundations na nagsusuplay ng mga armas at iba pang military equipment sa mga Islamic State extremists sa Syria.

Ayon sa Russia nasa 1.9 milyong dolyar ang halaga ng mga explosives at mga industrial chemicals ang na-smuggle sa border ng Turkey.

Sa liham ni Russia United Nation Ambassador Vitaly Churkin sa UN Secuiry Council na ang Turkey ang pangunahing supplier ng armas ng mga IS fighters kung saan ang nasabing pagbibigay ng mga armas ay pinangungunahan mismo ng National Intelligence Organization ng Turkey gamit ang mga sasakyan bilang bahagi ng humanitarian convoys.

Sa kasalukuyan wala pang sagot mula sa UN Mission ng Turkey patungkol sa isyu.

Nagsimula ang air campaign ng Russia mula noong Setyembre 30 upang tulungan ang kaalyado nitong Syria sa limang taon ng giyera sa naturang bansa na pumatay na sa mahigit na 250,000 na katao.

Suportado din ng Estados Unidos ang pagtarget sa mga bandidong grupo gamit ang airstrikes kasama ang Russia.

Sa pagtataya ng international coalition na pinangungunahan ng US nasa 40 percent na ang nawala sa teritoryong hawak ng nasabing grupo sa Iraq at 20 percent naman sa Syria.

TAGS: Islamic State, Russia, syria, Turkey, Islamic State, Russia, syria, Turkey

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.