Mga kandidato dapat isapubliko ang posisyon sa Cha-Cha — Sen. Koko Pimentel

By Jan Escocio January 29, 2021 - 09:28 AM

Sa palagay ni Senador Aquilino “Koko” Pimentel III dapat ay gawin election issue na ang pagsusulong ng mga pagbabago sa Saligang Batas.

Aniya dapat ay madinig ang  opinyon ng mga kandidato sa eleksyon sa susunod na taon ukol sa isinusulong na Charter Change o Cha-Cha.

“Let’s make charter change an election issue. Candidates in the 2022 elections must be asked their position on the specifics of the various proposed charter amendments,” aniya.

Samantala, sinabi ni Senador Francis Pangilinan na kinakailangan na madinig ang lahat ng panig kayat itutuloy lang ang pagdinig ng pinamumunuan niyang Committee on Constitutional Amendments.

Aniya mahalaga na marinig ang tinig ng Department of Finance at NEDA sa isyu, gayundin ang mga mula sa sektor ng pagnenegosyo.

 

TAGS: Aquilino Pimentel, charter change, election issue, kiko pangilinan, Aquilino Pimentel, charter change, election issue, kiko pangilinan

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.