Quezon City, nakapagtala ng 102 bagong kaso ng COVID-19
Nadagdagan pa nang 102 na bagong naitalang kaso ng COVID-19 sa Quezon City.
Sa datos ng Quezon City Health Department, umabot na sa 30,111 ang bilang ng mga kumpirmadong kaso ng nakakahawang sakit sa lungsod hanggang 8:00, Huwebes ng umaga (January 28).
Ang nasabing bilang ng kaso ay na-validate na ng QCESU at district health offices.
Samantala, nasa 1,213 o katumbas ng apat na porsyento ang itinuturing na aktibong kaso ng pandemiya.
Mayroon ding bagong gumaling sa lungsod.
Bunsod nito, 28,095 o 93 porsyento na ang total recoveries sa COVID-19 sa lungsod habang 803 o tatlong porsyento ang nasawi.
Batay pa sa datos, nasa 156,025 ang suspected COVID-19 cases na kabilang na isinagawang contact tracing.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.